SINO ANG MAS MAKAPANGYARIHAN
Kaloy: Mga pare, lumipat na kayo sa religion ko. satanista ako mga 'tol. Makapangyarihan ang diyos namin.
Jonathan: Hindi na! Kayo na lang ang sumali sa religion ko. Buddhist ako. Mas makapangyarihan ang diyon namin.
Rupert: Ayoko nga! Kung gusto nyo, kayo ang sumali sa amin. Catholic ako. At pinaka makapangyarihan ang diyos namin.
Kaloy: Mga gago pala kayo 'e. 'O sige, ganito na lang... Akyat tayo sa taas nyang building na yan. Tingnan natin kung kaninong diyos ang makapangyarihan. Tatalon tayo isa-isa mula sa roof top, kung sino ang makaligtas yun ang may pinaka makapangyarihang diyos.
Jonathan: Sige payag ako jan!
Rupert: 'O tara!
Umakyat ang tatlo sa roof top...
Kaloy: Mauna nako, antayin ko na lang kayo sa baba. Bwahaha!
Tumalon si Kaloy...
Kaloy: Satan... Satan... Satan....
Pag dating sa kalagitnaan ng building...
Kaloy: Satan... Satan... Satan....
Nung malapit na sa lupa...
Kaloy: Satan... Satan... Satan....
Kablag! Patay...
Jonathan: Pare, si Kaloy...
Rupert: Oo nakita ko...
Jonathan: Itutuloy pa ba natin 'to?
Rupert: Mukang nawawalan ka ng tiwala sa diyos mo pare ah...
Jonathan: Putek! Sige tuloy! Ako naman tatalon.
Tumalon si Jonathan...
Jonathan: Buddha... Buddha... Buddha...
Pag dating sa kalagitnaan ng building...
Jonathan: Buddha... Buddha... Buddha...
Nung malapit na sa lupa...
Jonathan: Buddha... Buddha... Buddha...
Biglang bumagal ang paghulog ni Jonathan at dahan-dahan syang lumapag sa lupa.
Jonathan: Yeahhhhhooo! Rupert! Ano, bilib ka na?!
Rupert: Antayin mo ako jan sa baba! Ikaw ang pabibilibin ko!
Tumalon si Rupert...
Rupert: Jesus... Jesus... Jesus...
Pag dating sa kalagitnaan ng building...
Rupert: Jesus... Jesus... Jesus...
Nung malapit na sa lupa...
Rupert: Jesus... Jesus... Jesus... Buddha Buddha Buddha Buddha!
MAGALIT ANG MORALISTA!
Post a Comment